FANDOM


BuodEdit

Isang umaga sa isla ng Panay, paggising ng may polyong si Inday Pilay ay nagkukumpulan na ang kanyang mga kababaryo. Pinaguusapan nila ang pagbangon ni Ontoy Komang sa kanyang kabaong na kalaunay humiga ulit matapos mawisikan ng bendita ni Father Boyet. Sinasabi ng pinakamatanda sa baryo, si Oray Loleng, na pinalakad si Ontoy Komang ng mga aswang. Lumipas ang mga araw at nalimutan na ang nagsanga-sangang istoryang pagkamaranhig ni Ontoy Komang. Kasabay naman nito'y unti-unting lumapad ang balakang ni Inday Pilay, lumaki ang tiyan at mga suso nito, at isang araw pa'y nagsululuka na nakita ng kanyang Tiya Era. Ang pagsululuka ay isang sintomas bago namatay si Ontoy Komang kaya naman nabuhay ang tsismis na si Inday Pilay ang susunod na biktima ng aswang. Umaksyon na ang kapitan at mga tanod at sila'y rumonda para bantayan si Inday Pilay hanggang sa isang araw ay balitang-balita sa Bombo Radyo ang pagsakote ng buong baryo sa isang lalaking pinaniniwalaang may masamang ginhawa. Siya si Boy Eks, ang nakasama ni Inday Pilay sa isang panandaliang kaligayahan sa may sagingan sa ilog.

Mga TauhanEdit

​IsyuEdit

Ang mga tsismis ang napapalayo sa tao sa pag-unlad. Sa kuwentong “Turagsoy”, naipakita ang ilan sa hindi magandang dulot ng mga tsismis. Halimbawa nito ay ng kumalat na ang Panay ay isla ng aswang. Hindi natangap sa trabaho sa Maynila ang ilang taga-Panay dahil sa balita. Isa pang halimbawa ay ang hindi pagdala ng isang ina sa maysakit niyang anak sa ospital dahil sa ang head nurse ay anak ng mayor na hindi nila binoto. Kalat ang balitang hindi ginagamot ng ospital ang pasyenteng hindi nila tauhan. Dahil sa mga tsismis, nadadala sa kapahamakan ang ilan.


Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.