FANDOM


Isang maikling kwento na isinulat ni Fanny A. Garcia na nakapagtanggap ng ikatlong gantimpala sa dibisyon ng Filipino (maikling kwento), 1983 Palanca Awards.

BUOD

Nagsisimula ang kwento sa pagkakamusta ni Hilda , isa sa mga "bar girl" na nagtatrabaho sa Uncle Tom's, sa mamababasa (na isang bagong recruit sa bar). Napunta ang usapan sa kwento ng kanyang buhay, simula sa kanyang kabataan (bago siya mapasok sa ganitong klasing trabaho bilang "hostess"). Lumaki siya sa isang konserbatibong pamilya na naging kilala sa kanilang barrio dahil sa kanyang lubos na pagkaganda. Nang nakatapos na siya ng highschool, nagtrabaho siya sa isang restawrant bilang waitress, plano niyang pagiipunan ang perang makukuha niya dito para sa kolehiyo.

Nang makita siya ng isang bar manager, na tinatawag niyang "Mama-san ", sa kanyang trabaho; inaya siya maging go-go dancer sa isang eksklusibong bar (kung saan mas mataas ang makukuha niyang bayad). At simula noon, nag-iba ang itsura at pagkatao niya lalong-lalo na sa pananaw ng kanyang minamahal na Inay. Naging ginawa na siyang "regular bar girl" naging manhid at sanay siya sa mga masasamang gawain tulad ng paninigarilyo, pag-iinom at pag-sesex at sa mga masasamang pangyayari. Ngunit, sa mga sulok ng kanyang pagiisip, ang pagmamahal sa kanya ng kanyang Nanay ay nakakapagbigay sa kanya ng seguridad, at binabalikan niya ito kapag nawawala na siya sa sarili.

ISYU

Tulad ng “Alamat ng Sapang-Bato” nagpapakita din ng kwentong ito ang mga kasamaang nag-uugat sa kahirapan ng bayan. Ang biktima sa kwentong ito, si Hilda (o si "Ne"), ay napunta sa prostitusyon dahil nais niyang makakita ng madaming pera para makapagtulong sa kanyang inay at makapag-aral sa kolehiyo. Madalas napupunta ang mga despiradong babae sa mga trabaho na ito at sa mga sitwasyon na kung saan “wala nang ibang mapupuntahan/mapapasukan”. At kahit sa kasalukuyan, nangyayari pa din sa madaming dalagang babae ang mga dinaanan ni Hilda. Hindi mawawala ang industriya at nga mga magpapabuhay dito. 

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.