FANDOM



BuodEdit

Ang kwentong ito ay 'di tungkol sa literal na pagtatakas sa presinto, ito ay tungkol sa pagtatakas sa hirap ng buhay ng pangunahing tauhan sa pagsusulat at sa imahinasyon. Ang pangunahing tauhan (Walang Pangalan) ay may i-set na iskedyul na kailangan sundin araw-araw: "Kain, piko, pala, maililigo sa ikalawang araw, at tulog." Ito yung kalakaran sa loob ng presinto.Mahirap ang buhay sa loob, ang mga sarap ng katawan ay limitado sa kain at paghinga. Pag nasa kuwarto niya mismo, dito lang siya pwede maging malaya dahil pwede siyang magsulat at managinip. 

Minsan sa loob ng presinto, me mga nangyayaring rayot na nagaganap, isang araw noong nangyari ang rayot nasama ung pangunahing tauhan dito at pinatinapon siya sa bartolina. Sa loob ng bartolina, ung pantakas lang niya ay ang kanyang imahinasyon dahil madilim dito, pero noong nagkaroon siya ng mga kasa sa bartolina niya, hindi na siya pwedeng tumakas doon, dahil magagalit ang amo niyang kasama. Noong pinakawalan siya dito, maraming masamang ginawa sa kanya ng kanyang kasama tulad ng pa-tattoo sa kanya para i-symbolize na kasama na siya sa kanilang grupo.  Wala na siyang pantakas dahil meron na siyang dalawang taga-sunod, ung warden at ang kanyang amo.

Sa huli nagpakamatay siya dahil sobrang pagod na siya sa kanyang buhay, dahil palagi na lang me nagkokontrol sa kanya. Pero kahit nagpakamatay siya sa huli, nakatakas siya sa lahat ng masama sa mundong iyon. 

IsyuEdit

Ang isyu ng kwentong 'to ay tungkol sa pagkakatakas natin sa katotohanan ng mundong ito. Ang pangunahing tauhan ay nadiskubre na pwede siya makatakas dito sa pagsusulat at sa kanyang isip. Ngunit noong kinuha sa kanya ang lahat ng paraan kung paano makatakas sa katotohanan ng buhay, nadiskubre niya na dahil sa sobrang sama ng buhay, wala nang ibang paraan kundi magpapakamatay. Sa huli, nakatakas siya sa lahat na nagkokontrol at nagdidikta sa kanya, ngayon nagkaroon siya ng tunay na layas.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.