FANDOM


Ang Sumpa ay isang maikling kwentong sinulat ni Benigno R. Juan na nailathala sa Malikmata at Iba Pang Kwento (2007).

Mga TauhanEdit

Buod ng KwentoEdit

Si Rommel, na dating estudyante ng pag-iinhinyero, ay umibig, nagpakasal at nagkaanak sa kaniyang mabuting kasintahang si Myrna.  Tumigil sa pagaaral si Rommel, bagamat ubod ng talino at galing, upang maghanap-buhay at suportahan ang kaniyang asawa at tatlong anak na sina Bobot, Ma. Angeles at Ma. Carlota.  DI naglaon ay nawalang ng pag-asa si Rommel na maiahon sa hirap ang pamilya na naging dahilan ng kanyang pagiging bugnutin.  Sinisi niya ang kaniyang asawa sa pagkakasakit ng kanilang mga anak at di naglao'y umasim ang kanilang pagsasama.

Habang naglalakad-lakad ay sinabi ng binubugnot na si Rommel na kung may diyos nga ng Karimlan ay ipagpapalit niya ang kaluluwa ng kaniyang mga anak para yumaman.  Narinig ang kaniyang mga hiling at di nagtagal, namatay sa sunog ang kaniyang tatlong anak.  Sinabayan naman ito ng swerte dahil inaya siya ng kaniyang kaibigang si Monching na pumunta sa Germany upang magpakasal sa isang mayamang biyudang German.   Lumipad siya paalis ng bansa at iniwan niya si Myrna sa kaniyang mga magulang.

Naging maayos ang buhay ni Rommel sa piling ng matandang Aleman.  Ngunit di naglaon ay namatay ito sa kanser sa obaryo.  Naiwan ang lahat ng yaman ng matandang babae kay Rommel.  Napagdesisyonan niyang umuwi ng Pilipinas upang humingi ng tawad kay Myrna, ngunit nalaman na lamang niyang namatay ito sa kanser sa obaryo, sa parehong araw na namatay ang matandang biyuda.

Isyung TinalakayEdit

Sa kwentong Sumpa, ipinakita ang pagiging ganid at sakim ng pangunahing tauhan na si Rommel na naging dahilan upang mawala sa kaniya ang kaniyang pamilya.  Tinalakay ang kahirapan at ang pagnanais ng mga kapos palad na yumaman at umasenso.  Pinapakita din ng storya na ito ang kahalagahan ng edukasyon at pagpaplano ng pamilya.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.