FANDOM


Ang maikling kwentong Sa Bawat Sawing Pag-asa ay isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1955. Nailimbag ito sa librong Piling Maiikling Kuwento.

Mga TauhanEdit

BuodEdit

Ang babaeng labandera ay nakasakay sa bus papunta sa Klinika Manalastas para magpakonsulta ng kanyang sinapupunan. Siya ay kabadong-kabado dahil alam niyang pang mga mapera ang Klinikang iyon pati na din ang espesyalistang doktor na si Dr. Manalastas na walang humpay kung purihin ng nagsabi sa kanya. Siya ay pumasok ng klinika ngunit iba at mapangyurak ang trato sa kanya ng mga babaeng nakaputi kumpara sa mga babaeng magagara and damit at nag-iIngles. Nagdesisyon siyang bumalik siya sa sakayan ng bus, dala-dala ang kasawian ng hindi pagkausap kay Dr. Manalastas tungkol sa kanyang anak sa sinapupunang nanganganib na matulad sa mga unang namatay na. Isang bagay ang nagpagaan ng loob niya: ang gunita ng isang doktor na ikinuwento sa kanya ng kanyang ina noong kanyang kamusmusan, at kanyang pinaniniwalaan. Nang mga panahong iyon, nagtapat si Dr. Manalastas sa kanyang kaibigan na sawa na siyang manggamot ng mga babaing may mga sakit na guni-guni, mga babaing katumbas ng kanilang pera, mga babaing ayaw makaranas ng sakit sa pagbubuntis. Nagnanasa siyang makatagpo ng taong talagang nangangailangan ng kanyang tulong.

IsyuEdit

            Isa sa mga isyu sa kwento ay ang diskriminasyon. Dalawang klaseng diskriminasyon ang makikita sa kwento. Ang una ay ang diskriminasyon dahil sa katayuan sa buhay at trabaho. Ang ikalawa ay yung diskriminasyon dahil sa salitang gamit. Bakit mas mabuti ang trato ng mga tauhan sa mga mapera? Bakit maliit ang tingin sa labandera kung hindi dayuhan ang salitang gamit niya? Iyan ang mga tanong ng babae. Isa pa sa mga isyu ay ang tagong identidad. Ang labandera pala ay may koneksyon kay Dr. Manalastas.