FANDOM


BuodEdit

Si Randy ay hindi kayang mabuhay ng walang karelasyon kayat lagi itong naghahanap ng makakasama. Hindi gaya ng matalik nitong kaibigan na si Paula na hindi ganoon ka-interesado sa pagkakaroon ng karelasyon. Ang kaibigan naman nilang si Simon ay nagpapahiwatig ng pagtingin kay Paula bagamat masaya na si Paula sa kanyang buhay. Hindi malaman kung mayroon ngang patutunguhan ang relasyon ni Simon at Paula na tila isang sayaw. At si Randy, sawa na sa paghahanap na walang pinatutunguhan ay natutong maging masaya sa kung ano man ang mayroon sa kanya.

TauhanEdit

PaulaEdit

Itinuturing na kapatid ni Randy nang dahil sa sobrang pagiging malapit at pagkakapareho nito sa kanya.

RandyEdit

Tagapagsalaysay ng kuwento. Matalik na kaibigan ni Paula.

SimonEdit

Isang katrabaho na may espesyal na pagtingin kay Paula.

IsyuEdit

Nabanggit sa kuwento ang mga salitang "Marami ang namamatay sa tsunami" at ang "I complete me". Ang una ay nagpapahayag ng pagiging kuntento sa kung ano mang kalagayan ng buhay mayroon ang isang tao. Maiksi ang buhay ng tao, ika nga, kaya hindi magandang ubusin ang oras sa pagrereklamo. Ang pangalawa naman ay nangangahulugan ng pagtayo sa sariling dalawang paa. Sa huli, ang iyong sarili pa rin ang makakapagpasya at makakapagsabi kung masaya o hinde ang iyong buhay at paraan ng pamumuhay at hindi ito nakasalalay sa ibang tao kundi ang sarili mo.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.