FANDOM


CharactersEdit

Raphael

Lolo Temyong

BuodEdit

Si Raphael ay isang mahusay na eskultor na nais lang gumawa ng iskultura tungkol sa katawan ng lalaki, kaso yung kanyang guro, si Lolo Temyong yung nagpipigil sa kanyang pangarap dahil gusto lang niyang gumawa ng iskultura tungkol sa mga santo at patron. Kahit sinusunod niya yung utos ni Lolo Temyong, meron din siyang pinaglililok ng hubad na pigura ng lalaki, pero tinatago niya to dahil ayaw naman niyang ipahiya ang lolo niya at ang pangalan ng kanyang angkan.

Noong naglililok ulit siya ng mga iskulturang hubad niya, biglang nagkaroon siya ng paliwanag sa buhay habang ginagawa niya ito. Natanto siya kung bakit ipinanganak siya sa mundong ito, at ito ay para lang manlikha ng mga gusto niyang gawing imahen dahil sa sobrang galing niya. Kahit sinasabi niya ito sa sarili niya, kailangan muna niyang maghintay dahil buhay pa yung matanda na si Lolo Temyong.

Isang gabi ng natapos niyang gawin ang mata sa isang iskultura niya nanaginip siya na nagsalita yung imahen na meron siyang ipapatay, at ito ay si Lolo Temyong. Sa simula, akala niya siya ang diyos ng sarili niyang mundo, ngayon yung nanlilikha yung naging alipin dahil sa una hanggang sa huli kinokontrol siya ng mga imahen niya at nilalabanan niya yung mga pagnanais niya para maging eskultor o ung kanyang pagpatay ni Lolo Temyong.

Sa huli, noong malapit niyang patayin si Lolo Temyong habang kinokontrol ang katawan niya habang tulog siya, buti na lang ang pigura ng Nazareno ay nakabitin sa silid ni lolo, at niligtas niya si Raphael sa kanyang tulog. Sa huli, dahil nakita niya na hindi pala siya ang diyos ng kanyang mundo kundi ang mga nalililok niya, nagpakamatay na lang siya dahil dito

IsyuEdit

Ang isyu nito ay tungkol sa masamang nayayari kung makasarili ka dahil sa inyong mga biyaya at talento. Naisip ni Raphael na isa siyang diyos na pwedeng gawin yung lahat ng gusto niyang gawin tulad sa pagpapagawa ng mga iskultura na ayaw ni Lolo Temyong. Kala niya na siya ang diyos ng kanyang mundo, pero dahil pinapakain niya ang kayang pagkamakaako, medyo nabaliw siya at malapit niyang patayin ang kanyang lolo. Sa huli, dahil nakita niya na siya pala ang kinokontrol sa mundong niya, nagpakamatay na lang siya dahil hindi niya ma-accept na ginamit siya ng kanyang mga pinagawa.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.