FANDOM


CharactersEdit

BuodEdit

Ang kwento ng Pulseras ay tungkol sa buhay ni Luis, isang magsasaka na umalis ng probinsya para maghanap ng trabaho sa Maynila, at ang kanyang relasyon kay Dante isang gwardya sa isang sinehan sa may Recto.

Nagsimula ung kwento na patay na si Dante, ang kaibigan at kasuyo ni Luis at kinukwento niya ang buhay niya noong bago bago siya sa Maynila at kung paano sila nakilala. Noong naging kaibigan yung dalawa, nagkwentuhan sila tungkol sa kanilang mga masamang panaginip. Kinuwento ni Luis na napaginipan niya ang pagkamatay ng kanyang tatay sa probinsya at si naman Dante ay nagkwento tungkol sa kanyang dating syota na umiwan sa kanya at kung bakit niya sinusuot ang pulseras niya dahil ayaw niyang makalimutan ang masamang ginawa sa kanya ng babaeng 'yon. 

Noong naging "sila" na, bumalik si Luis sa kanyang probinsya para makita ulit niya ang pamilya niya at ikwento ang kanyang buhay sa Maynila. Noong nakarating siya doon nalaman niya na namatay ang kanyang tatay dahil nahulog siya habang umaakyat siya ng puno. Bumalik si Luis sa Maynila para ikwento ni Dante na gusto niyang tigilan ang pagtatrabaho sa sinehan at umuwi silang dalawa sa probinsya. Sa una, ayaw ni Dante dahil alam niya baka hindi tanggapin ng mabuti ang pamilya ni Luis sa kanya, pero sa huli pumayag siya dahil ito talaga yung gusto ni Luis para sa kanila.

Sa gabi bago silang umuwi papuntang probinsya nanaginip si Luis na namatay si Dante sa kung saan siya nagtatrabaho. Na-isip ni Luis na hindi pwedeng magyari yan tulad ng panaginip niya sa tatay niya, pero noong gabing iyon nalaman ni Luis na namatay si Dante sa isang shoot-out. Sa huli magisa ulit si Luis, patungo probinsya pero suot niya ang pulseras na ibinigay sa kanya ni Dante.

Isyu

Ang isyu ng kwentong ito ay tungkol sa relasyon ng dalawang tauhan na si Dante at si Luis bilang kaibigan at bilang isang pares. Sa simula nakikita natin kung gaano kahirap ang buhay ni Luis dahil wala siyang trabaho, walang pera, at halos walang kaibigan bago niya nakilala si Dante. Noong nakilala sila nakita natin ang pagkaiba sa buhay ni Luis, na nagkaroon ng magandang trabaho, me pera na siya, at sa wakas meron siyang matalik na kaibigan. Noong naging sila, nakikita natin kung gaanong mahal nila ang isa't isa at kung gaanong isasakripisyo ni Luis para pwede niyang dalhin si Dante sa probinsya niya. Sa huli noong namatay si Dante, umuwi na lang mag-isa si Luis nasa kanya ang pulseras ng kanyang mahal.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.