FANDOM


BuodEdit

Tatlong buwan pa lamang ang nakalipas mula noong maghiwalay ang pangunahing tauhan at si Gabriel nang una nitong makilala si Rafael. Nagkasundo sila sa una nilang pagkikita kayat nasundan pa ito ng ilang araw ng pagkikita bagamat walang katiyakan ang kanilang relasyon at wala silang commitment sa isa't isa. Nang di kalaunan ay hindi naiwasang ipahayag ni Rafael ang kaniyang nararamdaman sa telepono, bago ng kanilang nakatakdang pagkikita sa araw na iyon. Nang magkita sila ay tila napanis ang laway ng dalawa ng dahil sa nakabibinging katahimikan hanggang sa nabanggit nga ang di inaasahang "I love you". Humingi ang pangunahing tauhan ng kaunti pang panahon ngunit di inaasahang iyon na pala ang huli nilang pagkikita ni Rafael. Natuklasan na lang nito na pinagpalit na pala siya sa iba.

TauhanEdit

RafaelEdit

Isang human resources manager ng isang kompanya sa Makati na may hitsura ngunit di gaanong kagwapuhan at may malinaw na pagaalaga sa katawan.

GabrielEdit

Dating karelasyon ng tagapagsalaysay.

IsyuEdit

Maraming tao ang gumagawa ng kung anu-anong paraan upang makalimot sa isang relasyon na humantong sa katapusan at ang kadalasan ay ang paghahanap ng panakip butas. Pumapasok sila sa isang relasyon kahit na hindi pa sila handang magmahal upang aliwin lamang ang kanilang mga sarili sa pansamantalang mga pagsasamahan na walang patutunguhan. Maaaring magkaroon ang isa sa kanila ng pagtingin sa isa o kaya ay mamuo ito ng isang magandang simula kung ang pangunahing dahilan kaya sumubok ang tao sa relasyon na iyon ay tuluyan nang nalimutan o ang mga sugat ay tuluyan nang nalunasan. Ngunit sa kadahilanang ang relasyong iyon ay nagsimula sa di kanais nais na dahilan ay di maiiwasang may masasaktan. Kaya sa huli, ang tao ay naghahanap ng tatanggap sa kanya ng buo--hindi sa dahilang gawing pampalipas oras o gamot upang makalimot. Kailangan ng taong maging masaya.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.