FANDOM


TauhanEdit

BuodEdit

Ang akdang Lorna ay tungkol sa isang babae na nagtatrabaho sa isang naitklab. Kilala siya sa pangalang Lorna na hindi naman ang kanyang totoong pangalan. Isang gabi, may pumuntang isang banyagang nagngangalang Edward Darrow sa naitklab. Si Lorna ang naatasan ng tagapamahala ng naitklab na umasikaso kay Edward. Ang dalawa ay nagkamabutihan ngunit di nagtagal ang pagsasama dahil isang buwan lang ang itinagal ni Edward sa Pinas. Umalis siyang nangangako na babalikan si Lorna pagkatapos ng anim na taon na pagsilbi sa Air Force. Makalipas ang ilang araw nalaman ni Lorna na dinadala niya ang anak nila ni Edward. Nagbagong buhay si Lorna at ginamit ang kanyang ipon para magpatayo ng isang parlor. Makalipas ang anim na taon ay nagkita muli sila ni Edward at nabuo ang kanilang pamilya.

IsyuEdit

Ang isyu ng kwentong it ay ang pagiging isang kalapating mababa ang lipad ng pangunahing tauhan na si Lorna. Hindi ikinahiya ni Lorna ang kanyang trabaho dahil ayon sa kanya, ang trabaho niya ay isa ring propesyon tulad ng titser, doktor, o abogado. Hindi rin siya naghanap ng iba dahil hindi raw siya uubra sa iba kaya doon na lang siya sa kaya niyang gawin. Ngunit lahat ng iyon ay nagbago nang siya ay umibig at magkaanak. Sinikap niyang magbagong-buhay para sa kanyang anak na babae. Pinatunayan ni Lorna na kayang umahon sa buhay ang mga tulad niya kung magsisikap lang at di mawawalan ng pag-asa.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.