FANDOM


Si Liwayway Arceo ay isang mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, at editor.  Ipinanganak siya noong ika-30 ng Enero 1924 sa isang sikat na pamilya ng mga manunulat. Si Arceo ay may apat na anak - Florante, Celia, Ibarra, at Jayrizal – kay Manuel Principe Bautista, na isa ring manunulat.

1991 ang tinaguriang Gintong Taon ni Arceo sa Panitikang Tagalog. 50 na taon na siyang propesyonal na manunulat. Kabilang sa mga nasulat na ni Arceo ay ang Canal de la Reian, Titser, Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Ang Mag-anak na Cruz, Mga Maria, at Mga Eva. Ang ikatlong katha naman ni Arceo na ang Uhaw sa Tigang Lupa ay kinilala na Pangalawang Pinakamahusay na Katha ng 1943. Itinuring din ito ng mga kritiko bilang panulakang-bato ng makabagong maikling kathang  Tagalog. Ito ay naisalin sa Inggles at Nipongo at nailathala sa New York City, U.S.A at Tokyo, Japan. Dito nagsimula ang kanyang magandang karera sa Panulatan.

Nakilala rin ang katha ni Arceo na Banyaga na pinarangalan ng Unang Gantimpalang Palanca noong 1962 na isinalin sa Inggles, Ruso, at Bulgaro.

Nasubukan din ni Arceo na maging bidang artista sa isang pelikula na may pamagat na Tatlong Maria. Ang Tatlong Maria ay gawa ng mga Hapon at Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pumasok din si Arceo sa pag-aarte sa radyo na may pamagat na Ilaw ng Tahanan.

Kabilang sa mga natanggap ni Arceo na mga parangal ang Carlos Palanca Memorial Award para sa isang maikling kuwento sa Filipino (1962); Catholic Mass Media Awards, Best Radio Drama (1982); Gawad ng Pagkilala bilang manunulat na feminist mula sa Kapisanan ng mga Propesor  sa Pilipino (1987); Catholic Mass Media Awards, Best Book in Pilipino (1987); unang Life Achievement Award sa Katha, mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (1988); honoris causa Doctorate in Humane Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas (1991); Gawad CCO for Literature Award (1993); Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction (1998); at ang kanyang huling natanggap ay National Centennial Commission Award para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino.

Namatay siya noong 1999 sa edad na 75.

Mga Maiikling Kwento

  • Lorna</li>
  • Ang Katotohanan</li>
  • Mga Mukha ng Buhay</li>
  • Nangangailangan: Mekaniko</li>
  • Ad blocker interference detected!


    Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

    Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.