FANDOM


Ang maikling kwentong Kuwento ni "Mabuti" ay isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1948. Nailimbag ito sa librong Piling Maiikling Kuwento.

Mga Tauhan :) :)Edit

BuodEdit

Si Mabuti ay isang pangkaraniwang guro na nabansagan na ng pangalang Mabuti ng kanyang mga mag-aaral dahil sa bukambibig niya ang salitang ito sa klase. Nang minsang magpunta si Mabuti sa silid-aralan upang doon umiyak, nakita niya na umiiyak ang isang batang nagngangalang Fe. Simula nang magsimula ng magkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay, nagkamabutihan na ng loob ang dalawa at naging mag-kaibigan. Nagbago ang pananaw ni Fe nang maisambit ng lalaki niyang mag-aaral ang tungkol sa ama ng anak niya na lagi niyang ikinukwento sa klase. Nalaman ng lahat, maging ang kaibigan niyang si Fe, na nais niyang maging doktor ang anak na babae dahil ang ama nito na di minsan man naikukwento ni Mabuti sa klase ay doktor din. Dahil sa rebelasyong ito, tila nagkaroon ng koneksyon sina Fe at Mabuti bilang mga taong nakadadama ng lihim na kaligayahan dahil sa mga lihim na kalungkutan. Lumipas ang mga araw at nalaman ni Fe ang kwento ni Mabuti: namatay ang asawa nito mga ilang araw palang ang nakalilipas at naiburol sa ibang lugar at hindi sa bahay nilang mag-ina.

IsyuEdit

            Sa maikling kwentong ito, binigyang pansin ng awtor ang mga problemang inililihim ng mga tao. Sa isang guro tulad ni Mabuti, na pangkaraniwan kung titignan, maari pala na mayroong siyang itinatagong mabigat na problema na mas mabuti nang hind malaman ng iba. Mahihinuha sa pagbasa ng kwentong ito, na hindi magkakaroon ng lihim na kaligayahan kung walang lihim na kalungkutan. Isa pa sa nabigyang pansin ay ang koneksyon ng dalawang tao na hindi pagkakaibigan o pagkaka-ibigan, ngunit isang koneksyong pagsuporta sa isang estranghero dala na rin ng pagkakaintindihan o pagkakapareho ng kalungkutang pinagdaraanan.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.