FANDOM


Buod ng KwentoEdit

Nagsimula ang kwento sa paghihiwalay ng isang bakla at ng kanyang matagal nang kasintahan. Dahil sa hiwalayang ito hindi inakala ng bakla na makakahanap pa ulit siya ng ibang mamahahalin. Bumalik siya sa kanyang mga magulang at doon pinabayaan ang kanyang sarili. Hanggang sa isang araw napalitan ang lungkot niya ng galit at kagustuhang makapaghiganti sa taong nangiwan sa kanya. Nagpalipat-lipat siya ng bar na pinupuntahan at dun nakipagkilala sa iba-ibang lalaki. Isang araw napunta siya sa isang bathhouse at dun nakilala niya si Cedric. Ganun din ang una niyang balak, na katawan lang ang habol niya dito. Ngunit hindi nagtagal at nahulog din ang kanyang loob dito at muli siyang umibig kahit na sa una ay sabi niya hindi na siya magmamahal ulit. Muli silang nagkita ng dati niyang kasintahan at awa na lang ang naramdaman niya para dito dahil hiniwalayan na rin siya ng ipinalit sa kanya.

Mga TauhanEdit

Isyung TinalakayEdit

Ang isyu sa kwento ay tungkol sa paghihiwalay ng dalawang magkasintahan. Kahit sa kasalukuyan makikita na halos ganoon din ang nangyayari sa mga naghihiwalay na magkasintahan. Isa sa nakipaghiwalay ay masasaktan ng sobra at iisiping hindi na sila magmamahal muli. Pababayaan ang sarili hanggang sa mawala ang nararamdaman nila para sa taong nangiwan sa kanila o kaya naman ay hanggang sa mapalitan ang nararamdaman nila ng galit. Pero ang madalas na nangyayari ay makakakita ulit sila ng muling magpapatibok ng puso nila at pababayaan na lang nila ang nangyari sa kanila.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.