FANDOM


Buod ng KwentoEdit

Nagsimula ang kwento sa isang poetry reading. Napansin ni James ang galing sa pagbabasa sa tula ng tagapagsalaysay. Pero hindi ito ang unang pagkikita ng dalawa, nagkita na sila sa isang selebrasyon ng kaarawan ng kaibigan ng tagapagsalaysay ngunit parehong hindi masyadong maganda ang unang impresyon nila sa isa't isa. Pagkatapos ng poetry reading ay binati ni James ang tagapagsalaysay, pinasalamatan niya ito at umalis na sila. Nang pauwi na ang tagapagsalaysay nakatanggap siya ng text message na gusto raw hingin ni james ang telephone number ng bahay niya. Subalit ang binigay ay ang kanyang cellphone number. At doon nagsimula nang madalas magkakwentuhan sila James at ang tagapagsalaysay hanggang sa nahulog na ang loob nila sa isa't isa. Hindi man sila sigurado sa relasyon nila ngayon dahil gusto pa rin ni James makapangasawa ng babae ang mahalaga ay iniibig nila ang isa't isa ngayon.

Mga TauhanEdit

Isyung TinalakayEdit

Ang isyu ng kwento ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkasintahan. Ang mahalaga sa kanila ay kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan at wala silang pakialam sa kung ano pa man ang mangyayari sa hinaharap. Basta para sa kanila ay mahal nila ang isa't isa ngayon at wala ng iba. Masasabing na sadyang romantiko nga ang ganitong pananaw, ngunit hindi pa rin sila makakasiguro kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Maaaring sila pa rin o maaring hindi na basta ang mahalaga mahal nila ang isa't isa sa ngayon.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.