FANDOM


BuodEdit

Pauwi si Nathan sa Pilipinas galing sa Hong Kong at gusto nitong makipagkita kay Edward. Pumayag naman si Edward na makipagkita kay Nathan. Bago umalis si Nathan ay nagpahayag na ng pagkagusto sa kanya si Edward at nagkatuklasang pareho sila ng nararamdaman. Sinikap nilang panatilihin ang kanilang relasyon ngunit ani ni Edward, sobrang hirap gawin nito. Habang malayo sila sa isa't isa ay di inaasahang mahulog ang loob nito kay Patrick. Mag-iisang buwan na sila nito nang nakatanggap ng mensahe si Edward na pabalik na si Nathan. Minabuti ni Edward na hindi sabihin kay Nathan ang tungkol kay Patrick dahil hindi niya ito kayang iwanan at nang dahil na rin upang magkaroon siya ng reserba, sa katauhan ni Nathan, kung sakaling magkahiwalay sila ni Patrick.

TauhanEdit

NathanEdit

Nagtrabaho bilang isang Quality Control Manager sa pagawaan ng damit sa iba't ibang bansa sa Asya kayat nakapagipon ng maraming pera. Isang taong mabuti ang loob at mahaba ang pasensya.

PatrickEdit

Isang buwan na karelasyon ni Edward.

EdwardEdit

Tagapagsalaysay ng kuwento. Naguguluhan sa kanyang nararamdaman.

IsyuEdit

Maliwanag ang pinaparating ng titulo na "Ikaw" na tila ba nagsasabi ng di tiyak na tauhan maliban sa hindi ang iyong sarili. Gaya ng matututunan sa kuwento na walang tiyak o matibay na paninindigan ang pangunahing tauhan sa kung sino ang mas matimbang at kung sino ang mas nahihigit sa dalawa. Naglalaro ang salitang "Ikaw" sa dalawang tao na parehong mahalaga at minamahal niya. Gaya ng ibang tao, hindi mo malalaman kung sino ang sinasabing Ikaw kung hindi ito mismo manggagaling sa nagsabi nito. Matitiyak lamang ang pinatutunguhan ng salita kung mamarapating itukoy ng tagapagsalita ang pinatutunguhan ng kanyang ibinigkas na salita. Ngunit kung mananatili ang misteryo ay marahil ayaw nitong ituro kung sino ang kaniyang tinutukoy o maaaring masaya ito sa kung sino mang aangkin sa tauhan ng Ikaw na iyon.