FANDOM


GEMatute big

Larawan ni Genoveva Edroza- Matute

Si Genoveva Edroza-Matute ay isang premyado at kilalang manunulat. Siya ay  nagtapos sa University of Santo Tomas kung saan din siya nagkamit ng Ph. D. Nagturo siya ng 46 na taon sa mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng pagtuturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. 

Sa karera niya bilang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal  mula sa Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of Education at marami pang ibaNatamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentong Kwento ni Mabuti. Nagwagi rin ng Gawad Palanca ang kanyang kwentong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong 1992.

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento" ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang "Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa panitikang Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinanganak siya noong ika-3 ng Enero 1915. Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa edad na 94. Ikinasal siya kay Epifano Matute.


Mga Maikling KwentoEdit

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.