FANDOM


Fanny Garcia- Ang Awtor

Isinilang sa kasalukuyang Malabon City noong Pebrero 26, 1949, siya ay isang guro, manunulat (fictionist, essayist, scriptwriter), editor, mananaliksik, at tagapagsalin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman ng PHD sa Malikhaing pagsusulat. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature. Paulit-ulit na nailathala sa mga librong panghayskul at kolehiyo ang mga maikling kuwento't sanaysay niya. Nagkamit siya ng National book award, Cordero Research Award, at Outstanding Book/monograph award in Filipino sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay kasama ang Anak Kong Autistic.