FANDOM


Isang maikling kwento na isinulat ni Fanny A. Garcia na nakapagtanggap ng ikatlong gantimpala sa kategorya ng mailkling kwento ng Carlos Palanca Awards. Ito ay naisama sa librong Sandaang Damit:16 na mailkling kwento. 

BUOD

Nagsisimula ang kwento sa loob ng tour bus na punong-puno ng mga magkakaibigang Filipino OFW (Overseas Filipino Workers) na nakatungo sa mga iba't-ibang tanawin sa Italya. Nang ito'y huminto sa huling dako ng paglalakbay, naghiwalay ang dalagang si Nelly sa kanyang mga kaibigan at sinamahan ang babaeng nagpaiwan sa grupo na si Vicky. Habang hinintay nilang bumalik yung iba nilang kasama, pinag-usapan nila ang trabaho nila, mga naiwan nilang pamilya sa Pilipinas at ang mga pinagdaanan nila.

Pagkapasok ulit nila Nelly at Vicky sa mga trabaho nila bilang mga "live-in" at "live-out" na katulong ng mga among Italyano, naging madalas ang pagsasama nila sa mga araw na wala silang responsibilidad. Iniimbita ni Nelly si Vicky sa mga gimmik at outing nilang mag-kakasama sa isang apartment at nag-uusap sila sa telepono kapag wala ang mga amo nila sa bahay. Ngunit, nang kinukwentohan ni Vicky kay Nelly tungkol sa "malapit" na amo niyang lalake, pinagbali-wala ni Nelly at biglang huminto ito sa pagtatawag at paguusap. Sa paglipas ng ilang araw nabalitaan nalang ni Nelly na patay na si Vicky, nagpakamatay sa bahay ng kanyang amo.

'ISYU


Sa kwento ng “Arrivedercci”, nakikita sa mga tauhan ang mga sikolohikal at emosyonal na probelema na madalas na maranasan ng mga OFW. Sa pagtra-trabaho nila at sa pagbubuhay sa ibang bansa, lalong lalo na sa mga galing probinsya, ay nakakaapekto sa isipan (kung walang kasamang kaibigan o pamilya). Ang pagkakaiba din ng kultura ng bansang napupuntahan ay nagbabago ng mga indibidwal. Ang diskriminasyon sa mga OFW din ay naipapakita sa pagkakaiba nakaraang trabaho ng ibang tauhan sa kwento nang umalis sila sa Pilipinas.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.