FANDOM


Ang Ang Alipustang Ama ay isang dagli na isinulat ni Francisco Laksamana na nailathala sa Renacimiento Filipino at naitampok sa antolohiyang Ang Dagling Tagalog 1903-1936.

Mga TauhanEdit

Buod ng KwentoEdit

Tuwing Sabado, hinihintay ni Chabeng ang kaniyang kabiyak na si Pablo na may dala-dalang sweldo na kanilang gagamitin na pambili ng pagkain na kanilang pagsasaluhan kasama ng kanilang tatlong anak.

Subalit iba ang Sabadong yaon. Inabot na ng kalagitnaan ng gabi ay wala pa rin si Pablo, at inabot na rin ng gutom ang mga anak nila ni Chabeng.

Ngunit sa kalaliman ng gabi ay dumating na rin si Pablo dala ang balitang pinatay niya si Don Matias sa kadahilanang tinangka ng huli na sakalin si Pablo at pagbantaang patayin ang mag-anak nito, at dahil na rin sa hindi nya binayaran ang paglilingkod sa kanya ni Pablo.

Ninanais ni Pablo na bumalik sila Chabeng sa kanilang bayang tinakasan, sa Taluray, sa kabila ng katotohanang pinatay din ni Pablo ang kanilang dating pinagtatrabahuhan, si Kabesang Ariston at asawa nito.

Mag-iika-11 ng gabi ay hinuli si Pablo at naiwan ang kanyang mag-iina na nagbabahay-bahay para manghingi ng kanin.

Isyung TinalakayEdit

Dahil si Francisco Laksamana ay isang manunulat na tinatalakay ang mga negatibong epekto ng pamumuno ng mga Español sa Pilipinas, ipinakita sa kwentong ito ang pang-aalipusta at panggigipit ng mga mayayaman sa mga mahihirap. Ngunit kung ikukumpara sa kwentong Ang Lakas ng Pagkakaisa, ipinakita rito na ang mahirap ay maaaring maubusan ng pasensya at gumanti, na nauuwi sa dahas.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.